Pagkakaroon ng Malta passport ni DND Sec. Teodoro, ikinabahala ng constitutional lawyer

Ikinababahala ng ilang abogado ang pagkakaroon ng Malta passport ni Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Ito ay kasunod ng paglabas ng mga ulat na mayroong Maltese passport si Teodoro.

Ayon sa constitutional lawyer at international law expert na si Atty. Arnedo Valera, hindi usapin ng simpleng passport ang kinasasangkutan ni Teodoro.

Sa ilalim kasi ng batas, bawal magkaroon ng dual citizenship ang mga public official partikular ang mga nasa Cabinet-level positions.

Hindi aniya uubra na ang isang defense secretary ay mayroong tinatawag na “sworn allegiance’ sa isang dayuhang bansa.

Usapin aniya ito ng integridad ng Pilipinas lalo na’t isa siyang miyembro ng gabinete at nakapwesto sa napaka-sensitibong posisyon.

Iginiit pa ni Valera na may pananagutan sa batas ang kalihim sakaling hindi nito i-renounce o tinalikuran ang kaniyang dual citizenship.

Pero hindi na umano dapat matagal si Teodoro sa posisyon kung walang patunay na ni-renounce nito ang kaniyang citizenship sa Malta.

Samantala, sa isang pahayag, nilinaw ng Department of National Defense (DND) na isinuko na ni Teodoro ang kaniyang passport bago tumakbo sa pagka-senador noong 2022 elections.

Facebook Comments