Pagkakaroon ng maraming SIM card ng isang indibidwal, hindi ipinagbabawal ng bagong batas ayon sa DICT

Pwedeng magmay-ari ng maraming SIM cards ang isang indibidwal.

Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy kaugnay ng ipatutupad na bagong SIM Card Registration Act.

Aminado si Uy na may mga lugar na walang signal o mahina ang signal ng isang telecommunication company kaya iyung may malakas na signal na SIM card ang ginagamit.


Kaya papayagan aniyang magkaroon ng maraming SIM card ang isang indibidwal pero ang lahat ng ito ay dapat nakarehistro sa kaniyang pangalan.

Dagdag pa ni Uy na wala namang nakasaad sa batas na bawal magkaroon ng maraming SIM card ang isang indibidwal, basta ito ay kilala o rehistrado sa kaniyang pangalan.

Facebook Comments