Pagkakaroon ng maritime interaction sa Pilipinas, nais pang dagdagan ng bansang France

Hiniling ng bansang France na madagdagan pa ang maritime interaction sa pilipinas para sa pagsusulong ng kapayaapaan sa Indo-Pacific Region.

Ayon kay outgoing French Ambassador to the Philippines Michele Boccoz na nais ng kanilang bansa na mas mapalawak pa ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng mas maraming maritime interactions para sa pagsusulong ng kapayapan sa sa karagatan ng Indo-Pacific Region.

Dagdag pa ni Boccoz na nakarang maglagay ang kanilang bansa ng resident defense attache ng kanilang bansa sa Pilipinas sa pagpapakita nito ng pasupporta sa ating bansa.


Saad pa ni Boccoz na nais nilang papuntahin ang flagship aircraft carrier ng kanilang bansa na Charles de Gaulle sa darating na 2025.

Matatandaang una nang pumunta ang French Navy Destroyer Lorraine sa pilipinas pra sa isang goodwill visit noong nakaraang taon.

Facebook Comments