Mas pinagtitibay pa ng lokal na pamahalaan ng Sison ang kanilang pagkakaroon ng mas handa na pagresponde tuwing may darating na sakuna o di kaya ay kalamidad sa kanilang bayan kung kaya’t sumabak sa tatlong araw na pagsasanay ang kanilang mga responders.
Sa naturang pagsasanay ay tinalakay rito ang ukol sa Basic Incident Command System na pinangasiwaan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office kung saan sa pag-aaral na ito ay magkakaroon ng higit na kaalaman ang mga responders sa panahon ng kalamidad, sakuna o trahedya man.
Sa pamamagitan rin nito ay mabibigyan pansin rin ang kanilang tunay na layunin na makapagtugon ng mas mabilis at magampanan pa ng mas maayos ang kanilang tungkulin bilang mga responders ng LGU.
Tiniyak naman ng kanilang pamunuan na may inilaang mga makinarya ang kanilang munisipyo nang sa gayon ay hindi sila mapag-iwanan sa mga dapat na kaalaman at kasanayan na dapat lamang nilang matutunan. |ifmnews
Facebook Comments