Pagkakaroon ng mas ligtas at kumpletong evacuation centers isusulong ni Senator Elect Go

Tiniyak ni Senator Elect Bong Go na isusulong niya ang pagkakaroon ng batas at pag amiyenda sa mga batas na magpapalakas ng Fire Prevention measures sa buong bansa.

Sa pagbisita ni Senator Elect Go sa 285 pamilyang nasunugan sa Olivarez Compound Barangay Santo Tomas Biñan, Laguna ngayong araw ay sinabi nito na gusto niyang makapag tayo ng maraming ligtas at permanenteng evacuation centers sa buong bansa na mayroong sapat na kagamitan pra sa mga gagamit nito.

Sinabi nito na isusulong din niya ang pagkakaroon ng batas kung saan ay magkakaroon ng mga Malasakit Centers sa lahat ng lalawigan at sa ibat ibang strategic urban centers sa bansa.


Tiniyak din naman ni Go sa mga nasunugan na makikipag tulungan siya sa National Housing Authority, Department of Social Welfare and Development at Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at maging ang pribadong sektor para matulungan ang mga nasunugan sa Sto. tomas Laguna.

Inalok din ni Senator Go ng tulong ang mga nasunugan  para makauwi sa kanilang mga pamilya at mabigyan ng Medical assistance ang mga nangangailangan.

Sinabi din ni Go na prayoridad niya ang kalusugan ng mga Pilipino dahil napakarami ang nangangailangan nito.

Hindi din naman aniya niya lilimitahan ang sarili at bukod sa paggawa ng batas ay kabilang din sa kanyang mga adbokasiya ay tumulong sa mga masusunugan sa buong bansa.

Facebook Comments