Pagkakaroon ng mas mabilis na access ng Pilipinas sa COVID vaccines, idudulog ni DFA Sec. Locsin sa ASEAN Foreign Ministers’ Meeting

Nakatakdang dumalo si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa 54th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting (AMM) and Related Meetings na gaganapin virtually sa darating na August 2 hanggang 6.

Sa nasabing Foreign Ministers’ Meeting, tatalakayin ang hinggil sa pandemic response at recovery, gayundin ang ilang international at regional issues.

Sa nasabing pagpupulong, idudulog naman ni Secretary Locsin ang mga prayoridad ng Pilipinas kabilang na ang mas mabilis na access ng bansa sa COVID-19 vaccines


Bubuksan din ni Locson sa Foreign Minister-level meetings ang kontrobersiya sa South China Sea.

Magiging tampok din sa Foreign Minister-level meetings ang hinggil sa human rights, nuclear weapon-free zone at iba pa.

Facebook Comments