Pagkakaroon ng mas maraming kumpanya na gagawa ng medical oxygen, nais ni Pangulong Duterte

Ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng mas maraming kumpanya na gagawa ng mga medical oxygen na magagamit ng bansa sa posibleng surge ng mga kaso ng COVID-19.

Sa Talk to the Nation ni Pangulong Duterte kagabi, sinabi nito na kailangan ito ng bansa upang matiyak na hindi magkakaroon ng kakulangan sa oxygen tulad nang nangyari noong unang wave ng COVID-19.

Ikinokonsidera naman ng pangulo ang pagtawag-pansin sa kongreso upang magkaroon ng tax relief sa mga kumpanya na gagawa ng mga kagamitan sa paglaban sa pandemya.


Sa ngayon, batay kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, umabot na sa 81 ang nakarehistrong medical oxygen manufacturers sa bansa kung saan 30 ang naaprubahan na.

Facebook Comments