Pagkakaroon ng mas maraming tagapagsalita, nagpapakita ng pagiging arogante ng NTF-ELCAC sa Senado

Naging arogante ang dating ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sabi ni Lacson, sa halip na pagbigyan ang hiling nila na alisin bilang tagapagsalita ng task force si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., dahil labag sa Konstitusyon ay ginawa pa nitong walo ang tagapagsalita.

Binanggit din ni Lacson na sinabi sa kanya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong April 27 ang pinag-usapan nila ni NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon na aalisin sa pwesto si Parlade bago ito magretiro sa July 26.


Ipinaliwanag naman ni Lacson na sang-ayon sa Konstitusyon ay ngayon na nila dapat tanggalin sa NTF-ELCAC si Parlade at kapag nagretiro ito ay saka nila maaaring muling italaga.

Facebook Comments