Suportado ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magkaroon ng presensya ng mga pulis sa loob ng mga eskwelaha upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante.
Ito ang tugon ng NCRPO kasunod ng pagdinig ng Senado kung saan tumestigo ang mga magulang ng ilang Senior High School Students na umano’y nawawala matapos ma-recruit ng mga makakaliwang grupo.
Ayon kay NCRPO Director, Major General Guillermo Eleazar, matagal nang ipinaututpad ng ilang Eskwelahan at Unibersidad ang panuntunan kung saan ipinagbabawal ang mga pulis sa loob ng campuses.
Wala namang nakikitang problema si Eleazar kung mabibigyan ng access ang kapulisan sa loob ng campus.
Facebook Comments