Muling iginiit sa bayan ng Manaoag ang nararapat na pagtalima at pagcomply sa mga dokumento bago tuluyang makapag-operate ang kani-kanilang negosyo.
Kasunod na rin ito ng napaulat na umano’y paniningil ng bayad ng isang private parking area kahit pa wala itong kaukulang permit mula sa Mayor’s Office.
Bilang tugon, binigyan ang may-ari nito ng palugit na hanggang labinlimang araw upang makumpleto ang lahat ng kaukulang mga dokumento upang maaari itong hindi tuluyang isara.
Samantala, tiniyak ng LGU Manaoag na pantay-pantay umano ang trato sa lahat ng negosyo sa bayan, maliit man o malaki, at ipinaalalang muli ang pagsunod sa mga ibinababang kautusan sa mga negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









