Ikinokonsidera ng pamahalaan ang paglalagay ng “One Oxygen Command” para matiyak ang sapat na suplay nito sa bansa.
Ayon kay Department of Trade Industry (DTI) Undersecretary Ireneo Vizmonte, ang DTI at ang Department of Health (DOH) ang mangangasiwa nito.
Aniya, ang konsepto ng One Oxygen Command ay nakabase sa One Hospital Command kung saan mayroong referral.
Dito, titiyakin aniya ng One Oxygen Command ang efficient delivery ng oxygen supply sa iba’t ibang rehiyon.
“Right now po, mayroon tayong tinatawag na oxygen task force na ang chair po ay co-chaired by the Department of Trade and Industry para po magkaroon tayo ng supply and demand situationer; at ang DOH naman po ay para ma-locate po natin kung saan po talaga iyong demand at kung saan ilalagay at saan may pagkukulang. Sila po ang mga ahensiya na nagtutulung-tulong para po talaga makarating po ang mga oxygen supply sa tamang lugar, sa tamang panahon.” ani Vizmonte.
Bagama’t wala pang petsa kung kailangan ito magsisimula, tiniyak ni Vizmonte na nakikipag-ugnayan na sila sa mga supplier ng oxygen sa bansa maging sa mga government offices na titiyak sa delivery nito.