Pagkakaroon ng pamantayan sa retirement benefits ng mga justices, judges at ibang opisyal ng judiciary, aprubado na sa Kamara

Nakalusot sa plenaryo ng Kamara ang panukala para sa pamantayan ng retirement benefits ng mga justices, judges at iba pang opisyal na may judicial rank, salary at privileges.

Sa botong 196 Yes at wala namang tumutol ay nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10272 na layong kilalanin ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay sa gampanin ng mga judiciary officials.

Sa ilalim ng panukala ay magiging entitled sa lahat ng retirement benefits ang mga judiciary officials na may judicial rank na kaparehong natatanggap rin ng kanilang mga counterpart na judges at justices.


Kasama sa bill ang pagbibigay ng benepisyo sa mga judiciary officials na nagretiro na bago pa man maisabatas ang panukala gayundin ang mga judiciary officials na sumailalim sa compulsory retirement sa edad na 65.

Inaalis naman sa panukala ang probisyon na nagdi-disqualify sa mga retirees na makatanggap ng kaparehong benepisyo sa oras na mailuklok sa isang elective office.

Facebook Comments