Pagkakaroon ng peace talks sa CPP-NPA-NDF, posible pa ring magpatuloy – Secretary Bello

Manila, Philippines – Inihayag ni Government Peace Panel Chairman at Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi pa tuluyang pinuputol ng pamahalaan sa pagkakaroon ng peace talks sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Bello sa briefing sa Malacañang, kahit pa sinabi ni Pangulong Duterte na itigil na ang usapan ay hindi pa tuluyang napuputol ang pagkakaroon ng peace talks sa rebeldeng grupo.

Hindi pa rin naman kasi aniya nagpapadala ang gobyerno ng Notice of Termination sa NDF panel.


Paliwanag ni Bello, ang mga naging pahayag ni Pangulong Duterte ay partikular lamang sa kenselasyon ng peace talks pero hindi ang tuluyang pag-abandona dito.

Kaya naman sinabi ni Bello na umaasa parin siya na sa mga darating na araw ay mulung mabubuksan ang pag-uusap ng gobyerno at ng rebeldeng grupo.
Binigyang diin pa nito na hindi sila magsasawa na isulong ang peace talks at naghahantay lamang ng direktang utos mula kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments