Pagkakaroon ng sakit at katandaan, hiniling na gawing “grounds” para sa paglaya ng isang bilanggo

Hinihiling ng Makabayan sa Kamara na gawing batayan ng pagpapalaya sa mga akusado ang kanilang kalusugan at katandaan.

Sa House Bill 10535 na tatawaging “Antonio Molina Act of 2021” na inihain ng Makabayan, ito ay iniaalay nila sa Farmers Rights Advocate at political prisoner na si Antonio Molina na nasawi sa kulungan kamakailan dahil sa sakit na stomach cancer.

Sa panukala ay inaamyendahan ang Republic Act 10389 o ang Recognizance Act of 2012.


Isinusulong ng Makabayan na ang “fragile health at advanced age” o ang kahinaan na ng kalusugan/pagkakasakit at katandaan ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) gayundin ang pagdadalang-tao ng isang babaeng PDL ay gawing “grounds” o batayan para sila ay mapalaya.

Upang maberipika ang tunay na sitwasyon ng isang detainee ay kailangang magprisinta ng medical diagnosis, records at certification mula sa doctor.

Kapag napagbigyan ito ng korte kung saan nakasampa ang kaso laban sa detainee, mapapasailalim ang PDL sa kustodiya ng kwalipikadong miyembro ng barangay, siyudad o munisipalidad kung saan siya nakatira o kaya’y custodian kung ang akusado ay non-resident.

Facebook Comments