Pagkakaroon ng sariling remotely-operated vehicles, target ng PCG

Plano ng Philippine Coast Guard (PCG) na maisama sa kanilang panukalang 2024 budget na maglaan ng pondo para makabili ng remotely-operated vehicles o ROVs.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, magandang magkaroon ng sariling ROV upang hindi na umasa sa ibang mga bansa.

Aniya, kapag may sariling ROV ay inaasahang mabilis na makatugon sakaling magkaroon ng malawak na oil spill.


Aminado naman si Balilo na nasa kamay ng Kongreso kung pagbibigyan ang budget para sa ROV pero ang PCG ay hihingi ng tulong ng gobyerno.

Sinabi pa ni Balilo na nakita sa operasyon sa nangyaring sa oil spill sa Oriental Mindoro ang “whole of government approach,” kung saan nagamit ang mga available na assets, at sama-samang gumagalaw ang mga lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ng opisyal, sana ay mapagbigyan ang ihihirit nila na budget para sa ROV para sa mas maayos na pagtugon sa oil spill at sa iba pang hindi inaasahang insidente.

Sa ngayon, mayroong isang Japanese ROV na ginagamit at tumutulong sa Oriental Mindoro oil spill.

Facebook Comments