Pagkakaroon ng sariling senatorial ticket ni Davao Mayor Sara Duterte, nirerespeto ng Pangulo

Nirerespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidatong ikinakampanya ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Nasa 13 kandidato ang ine-endorso ng HNP kabilang sina dating Senator Jinggoy Estrada at dating Senator Bong Revilla.

Ayon sa Pangulo – malayang pumili ang kanyang anak kung sino ang nais niyang isama sa kanyang ticket.


Aniya, parehas silang pulitiko ni Mayor Duterte kaya hindi sa lahat ng bagay ay magkakasundo sila.

Facebook Comments