Pagkakaroon ng sariling vaccine institute ng Pilipinas, suportado ni Senator Bong Go

Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng Philippine Vaccine Institute para sa potensiyal na pagdevelop at pag-manufacture natin ng mga sariling bakuna.

Ayon kay Go, malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa ating kasalukuyang problema sa COVID-19 kundi sa mga susunod pang kakaharapin na pandemya.

Giit pa ng Senador, mas mainam na ang maging handa ang Pilipinas upang hindi na tayo maipit at magkaroon tayo ng sariling kapasidad sa paglikha ng bakuna.


Matatandaang noong Martes ay sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang magkaroon ang Pilipinas ng sariling vaccine institute na kaniyang iiwang legasiya sa mga Pilipino bago matapos ang termino sa susunod na taon.

Kasunod nito, welcome naman para sa Department of Science and Technology ang panukala at umaasa silang maisasakatuparan na agad ang pagtatatag ng Virology Science & Technology Institute of the Philippines.

Facebook Comments