Pagkakaroon ng SPARU Unit ng NPA sa Isabela Hindi Ipinagwalang Bahala ng Isabela PPO!

40

Kinumpirma ng Isabela Police Provincial Office na mayroon silang mga tinututukang mga grupo ng NPA na kasapi ng SPARU (Special Partisan Unit) Unit dito sa lalawigan ng Isabela na siyang nagsasagawa ng pagpatay sa mga itinuturing nilang mga kaaway lalo na ang mga myembro ng kapulisan at mga sundalo.

Ito ang ipinahayag ni P/Supt. Virgilio Vi-Con Abellera, hepe ng Intelligence Branch ng IPPO sa pagtatanong ng RMN News Cauayan sa isinagawang Oversight Committee Meeting kaugnay sa usapin ng illegal na droga,illegal ng sugal,at internal security operation ng kapulisan dito sa lalawigan ng Isabela.

Ayon sa kanya, maaaring nagpaplano ang mga ito upang gumanti sa pamahalaan dahil sa pagkakahuili at pagkakapatay sa mga matataas na pinuno ng New Peoples Army dito sa lalawigan ng Isabela nitong mga nagdaan mga buwan lalot may mga plano din ang mga ito na gumanti sa pangasiwaan ni Pangulong duterte kaugnay naman sa kautusan nito na lipulin ang lahat ng kasapi ng New Peoples Army kung hindi ito susuko sa pamahalaan, kayat balak din nilang maglikida ng mga sundalo at mga pulis.

Dahil dito ay pinaigting ng kapulisan ang kanilang intelligence gathering upang matukoy ang mga kinaroroonan ng mga SPARU unit ng mga NPA upang maiwasan makagawa ng panggugulo o pagpatay dito sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments