Pagkakaroon ng special commercial flights, pinahihintulutan na ng IATF

Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagkakaroon ng special commercial flights na mag-uuwi sa mga stranded Overseas Filipino Workers (OFWs) abroad pabalik ng Pilipinas.

Kasama sa mga bansang pinahihintulutan na ang pagkakaroon ng special commercial flights ay ang Oman, Dubai, Abu Dhabi at iba pang bansa na mayroon tayong pinaiiral na travel restrictions.

Magkagayunman, ang mga special commercial flights ay subject pa rin sa guidelines tulad ng pagtatatag ng Special Working Group (SWG) na magdedetermina ng mga ipatutupad na protocols para sa nasabing special commercial flights katuwang ang concerned airlines.


Kinakailangang may approval mula sa SWG ang isasagawang special commercial flights at ito ay ekslusibo lamang para sa mga Pilipino.

Facebook Comments