Pagkakaroon ng special suit para sa mga Angkas driver para sila ay makapamasadang muli, masusing pinag-aaralan

Kasunod ng mga panawagang payagan nang makapamasadang muli ang Angkas at payagan ang backride sa motorsiklo dahil na rin sa limitadong transportasyon, pinag-aaralan na ngayon ng Department of Health (DOH) ang mungkahi ng Angkas na magkaroon sila ng special suit ng sa ganoon ay maiwasang maikalat ang COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tinitignan ng DOH kung sasapat ba ang nasabing special suit para masunod ang ilang minimum health standards.

Pero sa ngayon, nananatiling ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pag-angkas sa motorsiko gayundin ang pamamasada ng traditional jeepney dahil sadyang mahirap dito ipatupad ang social distancing.


Pagsapit ng Lunes, Hunyo 22, 2020 ay maaari nang makapamasadang muli ang mga Public Utility Buses (PUB), modern jeepneys at UV Express vans kasabay ng tren, bus augmentation, taxis, Transport Network Vehicle Service (TNVS), point-to-point buses at shuttle services pero limitado lamang ang kapasidad base na rin sa inilabas na guidelines ng Department of Transportation (DOTr).

Facebook Comments