Pagkakaroon ng step down facility, iminungkahi ng DOH

Sa layuning ma-decongest ang mga Intensive Care Units o ICU ng mga ospital, iminumungkahi ni Health Usec. at Treatment Czar Leopoldo Vega sa mga ospital pampubliko man o pampribado na magkaroon ng tinatawag na step down care facility.

Ayon kay Usec. Vega, hindi lamang kasi sa National Capital Region (NCR) kundi sa iba’t ibang bahagi na ng bansa ang naitatalang pagtaas ng mga bago at aktibong kaso ng COVID-19.

Ang pagkakaroon ng step down care facility ay paglalagay ng lugar para sa mga pasyenteng nasa ICU pero papagaling na o nagre-recover na at ililipat na sa step down care facility para dito na tuluyang magpalakas.


Sa ganitong paraan aniya ay mababakante ang mga kama sa ICU para ma-accommodate ang iba pang mga pasyenteng kritikal.

Ani Vega, ilan sa mga ospital na mayroon ng step down facility ay ang Tondo Medical Center, Lung Center of the Philippines, at Rizal Medical Center.

Facebook Comments