Maliit ang tyansa na magkaroon ng suplay ng mga bakuna kontra COVID-19 ang mga mahihirap na bansa sa buong mundo.
Ayon sa World Health Organization, nagiging manipis ang stock ng bakuna sa COVAX facility dahil sa kabawasan ng suplay ng bakuna sa mga contributor na bansa.
Habang isa rin sa dahilan ang pagpigil ng Indian government sa pagluluwas ng bakuna at pamimigay ng booster shot sa mga mayamang bansa.
Sa halip kasi anila na makapag-deliver ng 1.9 bilyon doses ng bakuna ngayong taon, magiging hanggang 1.4 bilyon lamang ito taliwas sa rekomendasyon ng mga health expert na 11 billion doses ng bakuna.
Sa ngayon, umabot na sa 254 milyon dose ang nadedeliver ng COVAX facility na malayo sa plano nitong 785 milyon doses.
Facebook Comments