PAGKAKAROON NG SUSTAINABLE AT MALINIS NA KAPALIGIRAN SA BAYAN NG MAPANDAN, PATULOY NA ISINUSULONG

Patuloy ngayong isinusulong sa bayan ng Mapandan ang kalinisan ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagresolba at paghahanap ngayon ng maraming solusyon.
Isa na lamang sa isinasagawang aksyon ng lokal na pamahalaan ng Mapandan ang hindi pagtigil ng mga awtoridad sa pagtatrabaho at pag-aaral upang wakasan na ang problema sa basura.
Samantala, dumalo ang mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng bayan ng Mapandan maging mga karatig bayan kasama ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa isang pagpupulong sa Brgy. Gualsic, Alcala kaugnay sa pagkakaroon ng sustainable and clean environment sa paggamit ng mga makabagong makinaryang makakatulong para gawing maayos at maaaring pakinabangan ang mga basurang nakatambak sa mga bakuran.

Dito ay ipinakilala ang isang makinarya na mula sa banyagang kumpanya mula sa Korea na Il Heung Hu-Tech Inc., isang kumpanyang nagpapatupad ng mga estratehiya sa globalisasyon ng Selection & Concentration at Technology & Cost Competitiveness sa mga teknolohiya.
Sinuri ang naturang makinarya at kanila rin itong pinag-aralan upang makamit ang inaasam-asam na mas malinis na kapaligiran sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments