Pagkakaroon ng tourism curriculum sa DepEd, iminungkahi kay PBBM

Inirerekomenda ng Private Sector Advisory Council kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkakaroon ng tourism curriculum sa Department of Education (DepEd).

Ito’y para mapalakas pa ng pamahalaan ang tourism workforce.

Bukod dito inilatag din ang proposal sa pangulo na magkaroon ng tourism curriculum sa CHED at TESDA.


Sa pamamagitan nito ay mapapalakas aniya ang kompetisyon sa hanay ng human capital sa larangan ng turismo at masisiguro ang patuloy na pagkakaroon ng mga talentadong manggagawa sa tourism industry.

Nabatid na nais din ni PBBM na palaguin pa ang turismo sa Pilipinas upang makasabay sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments