Pagkakaroon ng travel restriction sa mga bansang na-detect ang Omicron XE, hindi napapanahon

Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na hindi na kailangan pang magpatupad ng travel restriction sa mga biyeherong magmumula sa United Kingdom at Thailand.

Nabatid na sa mga bansang ito kasi naitala ang bagong variant ng COVID-19 na Omicron XE.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi nito na hindi naman mapipigilang makapasok sa bansa ang bagong variant na ito.


Ang kailangan lamang aniya ay matiyak na fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang mga dumadating sa bansa.

Aniya, kung mapapanatili ng Pilipinas ang mataas na vaccination coverage at immunity laban sa virus, naniniwala ito na hindi na magkakaproblema ang bansa sa bagong variant na ito ng COVID-19.

Facebook Comments