Pagkakaroon ng “underground hospital” para sa mga Chinese COVID-19 patients sa bansa, ikinabahala ng Palasyo

Nagpahayag ng pagkabahala ang Malacañang sa presensya ng mga ilegal na medical facility na tumatanggap ng Chinese nationals na tinamaan ng COVID-19.

Nabatid na nilusob ng pulisya ang isang villa sa loob ng Fontana Leisure Park sa Pampanga na ginamit bilang pharmacy at seven-bed hospital para sa mga Chinese nationals.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tanging mga kwalipikadong physicians lamang ang pwedeng magsagawa ng medicine practice sa bansa at ang mga gamot ay dapat aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).


Tiniyak ni Roque na mapapanagot ang lahat ng sinumang nasa likod ng illegal hospital.

Sa nasabing raid, naaresto ang administrator at pharmacist ng underground hospital at mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa FDA Act of 2009 at Medical Act of 1958.

Ipinag-utos na rin ang pagsasara at full lockdown sa Fontana Leisure Park sa loob ng Clark Freeport.

Facebook Comments