Pagkakaroon ng vaccination passport, suportado ng isa pang kongresista

Photo Courtesy: CNET

Sinang-ayunan at sinuportahan ni dating House Speaker at Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano ang paglalabas ng vaccination passport para sa lahat ng Pilipinong nabakunahan na kontra COVID-19.

Ayon kay Cayetano, dapat itong isabay sa paglalatag ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng COVID-19 vaccination road map ng bansa.

Inihalimbawa pa ni Cayetano ang ilang Pilipino sa Bahrain na nabakunahan at nakakuha na ng vaccine passport.


Ang passport vaccine ay magsisilbing certification at identification na ang isang indibidwal ay nabakunahan na kontra COVID-19.

Diin ng kongresista na maliban sa isang public health initiative ay susi na rin ito upang ibalik ang kumpyansa ng publiko at muling pagbangon ng ekonomiya.

Noong Disyembre ay inihain ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong ang House Bill 8280 o Vaccination Passport Act.

Dito nakapaloob ang full documentation ng pagbabakuna ng isang indibidwal upang ma-monitor ng mga otoridad ang efficacy at side effects nito sa isang indibidwal.

Facebook Comments