Pagkakaroon ng vaccine passport, muling isinulong sa Kamara

Isinulong ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na magkaroon ng internationally recognized vaccine passport ang mga Pilipino.

Nakapaloob ito sa inihain ni Villafuerte na House Bill 2115 o Vaccine Passport Program kung saan kasama niyang may-akda sina Representative Miguel Luis Villafuerte, Tsuyoshi Horibata at Nicolas Enciso VIII.

Magiging laman ng vaccine passport ang impormasyon kaugnay sa COVID-19 vaccine na natanggap ng indibidwal, partikular ang manufacturer, brand name, at batch number ng bakuna, petsa at lugar ng pagpapabakuna gayundin ang pangalan, lagda at license number ng nagbakuna.


Batay sa panukala, digital ang magiging porma ng passport para sa accessibility pero pwede itong i-print.

Ang nabanggit na vaccine passport ay pwede ring gamitin sa iba pang immunization program ng pamahalaan tulad ng mga nakaloob sa Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2021.

Facebook Comments