Inaasahang mapapabilis ang vaccine rollout sa bansa sa pamamagitan ng Vaccine Information Management System (VIMS).
Ayon kay Department of Information and Communication Technology (DICT) Undersecretary Manny Caintic, sa pamamagitan ng VIMS ay malalaman ang bilang ng mga bakunang nagamit na sa bansa.
Matututukan din nag supply at distribusyon ng bakuna.
Maaari din itong gamitin ng health professional para maisaayos ang aktwal na pagbabakuna sa health centers at ng mga Local Government Unit (LGU).
Layunin din nitong magkaroon ng maayos na polisiya sa pag-usad ng pagbabakuna.
Ipapakita rin ng VIMS ang report ng vaccination efforts sa Pilipinas at ng iba pang bansa sa Southeast Asian countries.
Ang DICT ay kasalukuyang nakikipagtulungan sa mga LGUs, private sectors, organizations at mga indibidwal para magamit nang husto ang VIMS.