Pagkakaroon ng Virology and Vaccine Institute, iginiit ng DOST sa harap ng bagong COVID cases

Sa harap ng paglabas ng nga bagong COVID-19 variants, iginiit ng Department of Science and Technology (DOST), ang pagkakaroon ng Virology and Vaccine Institute sa bansa.

Kaugnay nito, umapela si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, Jr. sa Kongreso na ipasa na ang Virology and Vaccine Institute of the Philippines.

Ito ay dahil sa hindi aniya nawawala ang banta ng virus.


Nitong mga nakalipas na linggo kasi ay nagkaroon ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay bagama’t hindi naman matiyak kung ito ay dahil sa mga bagong variants na KP.2 at KP.3 o ang flirt subvariant.

Facebook Comments