Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) na ordinaryong maritime incident lamang ang naitalang pagkakasagi ng isang Chinese cargo vessel sa isang Filipino fishing boat sa karagatang sakop ng Paluan, Occidental Mindoro, Martes ng hapon.
Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, ipinaliwanag ni PCG Spokesperson Arman Balilo na ruta talaga ng mga buma-biyaheng barko patungo at mula sa Indonesia ang pinangyarihan ng insidente.
Kaya naman ayon sa opsiyal, wala itong kinalaman sa usapin ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Maikokonsidera aniya ang insidente bilang isang ordinaryong maritime incident.
Sa kasalukuyan, nasa maayos aniya ang lagay ng limang Pilipinong mangingisda na sakay ng fishing vessel.
Nakipag-uganayan na rin sila sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para mabigyan ng tulong ang mga ito.