Pagkakasama ng asukal sa mga relief packs ng mga LGUs, ikinagalak ng DA

Welcome development para kay Agriculture Secretary William Dar ang naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isama ang asukal sa mga lalamanin ng relief packs na ipinamahagi ng mga Local Government Units (LGUs).

Ito’y sa harap ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Secretary Dar, malaki ang maitutulong nito sa mga nagtatanim ng tubo o mga sugar workers.


Batay sa datos ng Sugar Regulatory Administration, bumaba ng mula 30% hanngang 40% ang konsumo ng asukal magmula nang umiral ang ECQ.

Tiniyak naman ni Dar na may sapat na suplay ng brown na asukal na abot sa sa 1.7 million bags at 2.2 million bags ng refined sugar.

Sa ngayon, ang retail price ng refined sugar ay ₱50 per kilogram habang ang brown sugar at ₱45/kg.

Facebook Comments