Pagkakasama ng Maynila sa World’s Most Dangerous City list ng isang international tabloid newspaper, walang basehan ayon sa DOT

Manila, Philippines – Sinegundahan ng Department of Tourism ang una nang naging pahayag ni Sec. Abella na baka hindi pa nakakapunta dito sa Pilipinas ang mga nasa likod ng isang International Tabloid Newspaper, kung saan napasama sa listahan nito ang lungsod ng Maynila bilang isa sa pinaka delikadong siyudad sa buong mundo.

Ayon kay Toursim Assistant Frederick Alegre, below the belt ang ginawang ito ng pahayagan dahil base sa pinaka huling tala na kanilang inilabas, nasa 14.5 percent increase ang tourist arrival ng mga dayuhan dito sa bansa ang kanilang naitala kaya di nila maintindihan kung bakit inihalintulad ng mga ito ang Maynila sa isang slaughter house.

“Ang reaction kasi natin jan, foul ‘yon. Ang gusto naming sabihin, it is contrary to the data that we see. Naglabas kasi kami ng data this year we have 14. 5 percent increase sa tourist arrival coming from abroad. So di naming alam kung saan nila kinukuha ‘yung data na ‘yon about slaughter house, mejo ano ‘yon below the belt. We’ll definitely going to do something about it.” ayon kay Alegre.
Dagdag pa nito, patuloy ang ginagawa nilang pag u-update sa kanilang mga foreign officers o mga tauhan sa embahada ng Pilipinas na nakatalaga sa iba’t ibang mga bansa kaugnay sa mga nangyayari dito sa bansa. Patuloy rin aniya ang pagpunta ng DOT abroad para magpromote ng mga travel marks ng Pilipinas.


Facebook Comments