Pagkakasama ng Pilipinas sa 130 bansa na may travel warning ng US-CDC, posibleng ibinatay sa lumang datos ayon sa pamahalaan

Posibleng lumang datos ang pinagbasehan ng United States Centers for Disease Control (US-CDC) kaya isinama ang Pilipinas sa 130 bansa na inilagay sa travel warning dahil sa dami ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, posibleng hindi kinuha ng US-CDC ang huling datos ng COVID cases sa Pilipinas lalo na’t bumababa na ang mga naitatalang kaso sa bansa.

Aniya, naniniwala naman siyang mababago ito ng US-CDC kapag nakita na nilang mababa na ang COVID-19 case sa Pilipinas.


Ang travel warning ay inilabas ng Amerika para paalalahanan ang kanilang mamamayan na iwasan muna ang mga bansang sa tingin nila ay delikado o mapanganib sa kaligtasan ng mga ito lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments