
Nanawagan ang Palasyo sa media at content creator na maipakalat pa ang magagandang balita na nagagawa ng pamahalaan at nangyayari sa bansa.
Sa gitna ito ng pagkakasama ng Pilipinas sa Southeast Asia bilang isa sa most peaceful countries ngayong 2025 batay sa Global Peace Index.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sana’y makatulong ang mga mainstream media at content creators na mailalabas din naman ang good news gayundin ang ganda ng bansa at mabawasan ang pagpapakita ng negating pangyayari.
Tiyak aniya na makakaakit ito ng mas marami pang turista kung maipakalat sa mga dayuhan na tahimik at maayos ang Pilipinas.
Magbubunga aniya Ito ng investment kaya’t patuloy ang pamahalaan na mas pagandahin at ipakalat pa ang tungkol sa kagandahan at katahimikan ng bansa.









