Pagkakasangkot ng isang military general sa Parojinog Drug Ring, kinukumpirma na ng AFP

Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines kung totoo ang impormasyong may isang heneral ng AFP ang sangkot sa Parojinog Drug Ring at umanoy pomoprotekta sa pamilya Parojinog.

Kasunod ito ng paglutang ng impormasyong may koneskyon ang heneral na ito sa naarestong si Vice Mayor Nova Princess Parojinog.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, sakaling mapatunayan nilang totoo ang impormasyong ito.


Hindi aniya nila kukusintihin ang military general na ito sa halip papanagutin ito sa batas o patakaran ipinatutupad ng AFP.

Titiyakin aniya nilang mahaharap ito sa legal at disciplinary action.

Sa kasalukuyan kasama sa inaalam ng AFP ay ang pagkakakilanlan ng military general.

Facebook Comments