Pagkakasangkot ng tauhan ng OTS sa illegal recruitment, iniimbestigahan na

Iniimbestigahan na ng Office for Transportation Security (OTS) ang nabunyag na illegal recruitment kung saan sangkot ang isang tauhan nila.

Ayon sa OTS, inamin mismo ng kanilang tauhan na si Nelly Dimaano na tumanggap ito ng pera kapalit ng pangakong trabaho sa mga biktima.

Inaalam na rin ng OTS kung sinu-sino pa ang mga tauhan nilang sangkot sa nabunyag na scheme.


Maghahain din ng mga kaso ang OTS laban sa mga tauhan nilang sangkot sa eskandalo.

Nabatid na hinihingian ng mga suspek ng tig-₱25,000 ang bawat biktima kapalit daw ng trabaho sa OTS.

Facebook Comments