Pagkakasangkot ni Michael Yang sa illegal drugs, matagal nang isiniwalat ni Acierto

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Senator Richard Gordon na noong nakaraang taon pa sinabi sa kaniya ni dating Police Senior Superintendent Eduardo Acierto ang pagkakasangkot ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang sa illegal drugs.

Ayon kay Gordon, sinabi ito sa kaniya ni Acierto sa isang closed door meeting ng blue ribbon committee noong October 2018.

Aniya, sinabi sa kaniya ni Acierto na si Yang at isa pang Chinese ang nag-activate ng chemicals at equipment sa isang drug laboratory sa Davao City.


Pero giit ni Gordon, hindi niya hinarang ang impormasyon gaya ng sinasabi ni Acierto.

Hindi naman aniya nabigyan ng bigat ni Acierto ang kaniyang alegasyon dahil sa kawalan ng ebidensya laban kay Yang.

Facebook Comments