Pagkakasibak kay Dionisio Santiago, may iba pang dahilan ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Dinagdagan pa ng Palasyo ng Malacañang ang dahilan kung bakit nasibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Dangerous Drugs Board Chaiman Dionisio Santiago.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na naoffend siya nang sabihin ni Santiago na mali ang ipinatayong Mega Drug Rehabilitation ng Pamahalaan sa Nueva Ecija.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi lamang ito ang dahilan kung bakit nasibak ng Pangulo si Santiago dahil mayroon aniyang natanggap na reklamo ang Office of the President laban dito.
Sinabi ni Roque na base sa reklamo ay nagpunta umano ito sa Viena Austria at sa US kung saan isinama nito ang ilan niyang malalapit na office Staff sa DDB.
Mayroon din aniyang reklamo ang Union ng DDB employees sa office of the President na mayroon umanong natanggap si Santiago na bahay mula sa Pamilya Parojinog na sangkot sa iligal na droga.
Bahala narin naman aniya ang Office of the Ombudsman na magsampa ng kaso laban kay Santiago at sa iba pang opisyal ng Pamahalaan na sinibak ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments