Pagkakasundo nina Sen. nancy Binay at Sen. Alan Peter Cayetano, malabo pa sa ngayon

Tila malabo pa sa ngayon na magkasundo sina Senator Nancy Binay at Senator Alan Peter Cayetano.

Kasunod na rin ito ng paghahain kahapon ni Binay ng ethics complaint laban kay Cayetano.

Ayon kay Binay, kung hihingi ng apology o paumanhin si Cayetano ay depende pa ito sa magiging paliwanag ng senador.


Giit ni Binay hindi lang dapat sa kanya humingi ng paumanhin si Cayetano kundi pati na rin sa media dahil may alegasyon sa kaniya na nagbibigay siya ng mga tanong sa media sa mga radio interviews.

Si Cayetano naman sinabing tumutok lamang sila sa isyu ng New Senate Building (NSB) at bukas naman ito para makipag-ayos kay Binay.

Nauna namang sinabi ni Binay na iyon din naman ang gusto niya pero hindi aniya siya ang nagumpisa ng “name callings” at mga alegasyon at humarap siya sa pagdinig para sana bigyang linaw ang ipinapatayong Senate building.

Facebook Comments