Nai-raffle na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga partylist group para sa pagkakasunod-sunod ng mga pangalan nito sa balota para sa halalan sa 2022.
Mula sa 165 accredited na partylist groups, nakuha ng Kalipunan ng Maralita at Malayang Mamamayan (Kamalayan) ang number 1 spot sa balota.
Kasama rin sa unang sampung party-list group sa listahan ang:
Kilos Mamamayan Ngayon Na (KM Ngayong Na)
Philippine Society for Industrial Security (PSIS)
Agricultural Sectoral Alliance of the Philippines (AGAP)
Kabalikat ng Mamamayan (Kabayan)
Home Owners and Marginalized Empowerment Through Opportunities with Neighborhood Economic Reliability (Home Owner)
Kabalikat Patungo sa Umuunlad na Sistematiko at Organisadong Pangkabuhayan Movement (Kapuso-PM)
PDP Cares Foundation, Incorporated (PDP Cares)
Noble Advancement of Marvelous People of the Philippines (Marvelous Tayo)
Advocates and Keepers Organization of OFWs, Inc. (AKO OFW)
Sa mga nabanggit, tanging ang AGAP at Kabayan Partylist lamang ang incumbent members ng House of Representatives.