Pagkakasunod-sunod ng mga partylist group sa balota para sa 2022 elections, nai-raffle na ng Comelec; Kamalayan, una sa balota

279

Nai-raffle na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga partylist group para sa pagkakasunod-sunod ng mga pangalan nito sa balota para sa halalan sa 2022.

Mula sa 165 accredited na partylist groups, nakuha ng Kalipunan ng Maralita at Malayang Mamamayan (Kamalayan) ang number 1 spot sa balota.

Kasama rin sa unang sampung party-list group sa listahan ang:


 Kilos Mamamayan Ngayon Na (KM Ngayong Na)
 Philippine Society for Industrial Security (PSIS)
 Agricultural Sectoral Alliance of the Philippines (AGAP)
 Kabalikat ng Mamamayan (Kabayan)
 Home Owners and Marginalized Empowerment Through Opportunities with Neighborhood Economic Reliability (Home Owner)
 Kabalikat Patungo sa Umuunlad na Sistematiko at Organisadong Pangkabuhayan Movement (Kapuso-PM)
 PDP Cares Foundation, Incorporated (PDP Cares)
 Noble Advancement of Marvelous People of the Philippines (Marvelous Tayo)
 Advocates and Keepers Organization of OFWs, Inc. (AKO OFW)

Sa mga nabanggit, tanging ang AGAP at Kabayan Partylist lamang ang incumbent members ng House of Representatives.

Facebook Comments