Manila, Philippines – Inihayag ni Metro Manila Development Authority o MMDA Chairman Danilo Lim na mayroong magandang epekto ang pagkakasuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa UBER sa daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila.
Sa briefing sa Malacanang ay sinabi ni Lim na napansin nila na nabawasan kahit papano ang trapik sa Metro Manila nang hindi na pinayagang maka biyahe ang mga UBER na sasakyan.
5% aniya ang nabawas sa trapik sa Metro Manila dahil sa desisyon ng LTFRB , paliwanag ni Lim, ang talagang malaking dahilan ng trapiko sa kalsada ay ang dami o volume ng sasakyan.
Iginagalang naman ni Lim ang pahayag ni LTFRB Chairman Martin Delgra na kailangang dagdagan ang bilang ng taxi na umiikot sa Metro Manila upang matugunan ang pangangailangan o ang demand sa public transport.
Ayon kay Lim, kung ito ang nakikita ng LTFRB ay iginagalang nila ito, ang kailangan lang aniya ay sumunod ang mga pampublikong sasakyan sa anomang iniuuutos ng batas.
Pagkakasuspinde sa Uber, nagpaluwag ng trapik sa Metro Manila – MMDA
Facebook Comments