Pagkakatalaga kay Atty. Midas Marquez sa Korte Suprema ikinatuwa rin ng hanay ng PNP

Malugod na tinanggap ng hanay ng Philippine National Police (PNP) ang paghirang ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Atty. Midas Marquez bilang ika-192 Associate Justice ng Supreme Court.

Ayon kay PNP Chief Lt. Gen. Dionardo Carlos na qualified si Marquez bilang mahistrado ng mataas na hukuman dahil sa kaalaman at kasanayan nito.

Aniya pa malaki ang naiambag ni Marquez sa pagbuo ng mga alituntunin sa paggamit ng body camera ng PNP, bilang court administrator.


Tumulong din aniya si Marquez para suportahan ng mga mababang hukuman ang request ng PNP na agad wasakin ang mga nakumpiskang drug evidence para mabawasan ang problema ng mga pulis sa pag-iingat nito.

Siniguro naman ni PNP chief na ang PNP ay nanatiling tapat sa Hudikatura bilang pambansang simbolo ng hustisya at pananaig ng batas.

Facebook Comments