Hinimok ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez si Pangulong Rodrigo Duterte na muling pag-aralan ang pagkakatalaga kay Major General Bartolome Bacarro bilang bagong Commander ng Southern Luzon Command (SOLCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Si Bacarro ang pumalit kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesman Lt. Gen. Antonio Parlade na nagbitiw sa pwesto nitong ika-26 ng Hulyo.
Ayon kay Rodriguez, isa si Bacarro sa responsable sa pagkamatay ni Philippine Military Academy (PMA) cadet Darwin Dormitorio noong September 18, 2019.
Habang sinampahan na rin aniya ng kaso si Bacarro ng Baguio City Police kasama si PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista.
Naibasura naman ang kaso at ang ilang miyembro na lamang ng PMA ang nahaharap sa reklamo.
Sa ngayon, giit pa ni Rodriguez ay maituturing na kawalang-hustisya sa pagkamatay ni Dormitorio ang pagkakatalaga kay Bacarro.