Nagpahayag ng kanilang buong suporta ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pagkakatalaga ng Malacañang kahapon kay Dr. Erwin Erfe bilang Deputy Chief Public Attorney.
Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, malaking tulong sa kanila ang pagkakatalaga kay Atty. Erfe bilang pangalawa sa mataas na pwesto sa kanilang ahensya.
Paliwanag pa ni Acosta bukod kasi sa husay at dedikasyon sa trabaho, matagal nang tumutulong si Dr. Erfe sa mga mahihirap na Pilipino na naghahanap ng katarungan.
Matatandaan noong kasagsagan ng isyu ng Dengvaxia, si Dr. Erfe ang nangasiwa sa autopsy ng mga batang namatay matapos itong bakunahan laban sa dengue noong Aquino Administration.
Isa rin si Dr. Erfe sa mga nangasiwa sa kaso ng mga biktima ng hazing ng iba’t ibang fraternity sa bansa.