Pagkakatalaga kay Francisco Tiu Laurel bilang bagong DA Secretary, ikinalugod ni Anti-Poverty Czar Larry Gadon

Welcome o katanggap-tanggap kay Presidential Adviser for Poverty Alleviation Lorenzo “Larry” Gadon ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos kay Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Kumpiyansa si Gadon na ang paglilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa liderato ng ahensya kay Tiu at ang expertise nito sa agriculture sector ay makakatulong para iangat ang kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda.

Dagdag ni Gadon, bago maitalaga si Laurel, naging bahagi ito ng Private Sector Advisory Council o ang agriculture group na tumutulong sa pamahalaan para tugunan ang food security issues ng bansa.


Aniya, di kailangan na maging magsasaka mismo ang DA Secretary.

Ang mahalaga ay may malawak na karanasan ito sa food manufacturing, food sourcing at distribution.

Umaasa si Gadon na makatutulong si Laurel sa hangarin ng Marcos administration sa paglaban sa kahirapan.

Facebook Comments