Pagkakatalaga kay Parlade bilang Deputy Director – General ng National Security Council, inalmahan ng isang senador

Inalmahan ni Senator Risa Hontiveros ang pagtalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating NTF-ELCAC Spokesperson Antonio Parlade, bilang Deputy Director – General ng National Security Council.

Ayon kay Hontiveros, maraming isyu na nagsasabing may kinalaman si Parlade sa pag-red-tag sa ilang kritiko, celebrity, community organizers at paaralan.

Habang pag-amin pa ni Hontiveros, hindi niya maintindihan na mahilig ang pangulo sa pag-recycle ng mga kontrobersyal na opisyal at pagkamuhi nana sa mga public employee.


Nitong ika-26 ng Hulyo ngayong taon nang magretiro ang dating Southern Luzon Command Chief.

Facebook Comments