Pagkakatalaga kay Police General Rommel Francisco Marbil bilang bagong PNP Chief, sinang-ayunan ng ilang senador

Suportado ng dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang pagkakatalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kay Police General Rommel Francisco Marbil bilang bagong PNP Chief.

Si Marbil ang pumalit sa nagretirong si Police General Benjamin Acorda.

Ayon kay Dela Rosa, “very qualified ” si Marbil na pangunahan ang buong PNP.


Aniya, isang officer at gentleman si Marbil kaya kumpyansa siyang pamumunuan nang mahusay ng bagong PNP Chief ang pambansang pulisya.

Bago naitalagang hepe ng PNP si Marbil ay naging Officer-In-Charge ng Directorate for Comptrollership ito at nagsilbi rin bilang police director ng Eastern Visayas.

Facebook Comments