Kinwestiyon ng grupong Human Rights Watch (HRW) ang pagkakatalaga kay Richard Palpal-latoc bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights (CHR).
Sinabi ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson, isa itong malaking sampal sa mga biktima ng human rights abuses dahil nagtalaga si Pangulong Bongbong Marcos ng abogadong walang karanasahan sa human rights.
Dagdag pa nito, nagkulang ito ng konsultasyon at lalo lamang kukwestiyon kay Marcos kung balak pa nitong tanggalin ang CHR bilang isang independent body na nag-iimbestiga sa mga pang-aabuso ng karapatang pantao nang walang takot sa mga may kapangyarihan.
Magiging mahirap kay Palpal-latoc upang patunayan na karapat-dapat siya sa pwesto at kailangan alam niya ang international commitments ng Pilipinas pagdating sa karapatang pantao.
Mababatid na uupo sa pwesto si Palpal-latoc hanggang 2029.